Sagot: Kung bawal iyan sa Bibliya, hindi na sana pinaggawa din ng Diyos ang mga kerubin sa Exodo 25:18 at ang ahas na tanso sa Numeros 21:8-9 . Mga larawan din ang mga iyon eh. Kung pinaggawa ng Diyos ang mga larawang iyon, eh ibig sabihin nun eh hindi yung mga larawan mismo ang bawal. Pero nakasulat diyan sa binasa mo na bawal gumawa ng larawan. Kung tatanggapin natin iyan edi magkakakontra ang sinasabi ng Diyos sa Bibliya. Para mapatotohanan nating di sinungaling ang Diyos, tingnan natin kung anong klaseng larawan ang di niya pinapaggawa, heto sa Exodo 20:4-5:
"Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng
anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig
sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila."
Hindi kumpleto ang binigay mong talata. Hindi mo dinugtong yung kasunod na talata na nagsasabi na pinagbabawal ng Diyos na yukuran at paglingkuran sila. Iyon ay ang mga larawan na nagnanakaw ng paggalang at pagsama na dapat ay para sa Diyos.
Tanong: Hindi ba't ang inyong mga larawan ay nagnanakaw din ng pagsamba na para lang sa Diyos? Hayan nga't niluluhuran at niyuyukuran ninyo ang mga iyan.
Sagot: Hindi porke't niluluhuran o niyuyukuran ay sinasamba na. Mababasa sa Bibliya na may pagyukod na hindi pagsamba. May pagyukod bilang tanda ng paggalang. Mababasa ito sa Exodo 18:7
"At si Moises ay lumabas na sinalubong ang kaniyang biyanan, at kaniyang niyukuran at hinalikan."
Hindi ibig sabihin na dahil niyukuran ni Moises ang kaniyang biyenan ay Diyos na ito.Hindi. Ang pagyukod at pagluhod ay ang paraan natin ng pagpapakita ng paggalang. Gannon din sa amin. Ginagalang namin ang mga larawan ng mga banal dahil higit pa silang dapat igalang kaysa sa mga tao rito sa lupa dahil sila'y pinarangalan na ng Diyos.
Tanong: Ngunit ang pagyukod ay senyales ng pagsamba, hindi ba! May posibilidad na sinasamba ninyo ang mga larawang iyan!
Sagot: Kahit na senyales ng pagsamba ang pagyukod at pagluhod, wala kang kakayahang malaman at magdesisyon na sumasamba ang isang taong gumagawa niyon. Ang pagsamba ba ay nakikita sa labas na anyo? Hindi ba ang pagsamba ay nangyayari sa loob ng tao? Nakasulat sa Mateo 22:37
"Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong
kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo."
Iyan ang pagsamba, ito ang nagyayari sa loob ng tao. Walang outer bodily gestures ang makakapatunay na ang isang tao ay sumasamba. Kahit ang Bibliya ay umaamin na ang pagyukod ay di isang eksaktong deskripsyon ng pagsamba, nakasulat sa 2 Hari 5:18-19
""At sana ay patawarin niya ako sa gagawin ko. Kasi, pagpunta ng aking hari sa Rimon upang sumamba, isasama niya ako at kasama ring luluhod. Sana'y patawarin ako ni Yahweh sa aking pagluhod sa templo sa Rimon." Sinabi sa kanya ni Eliseo, "Humayo kang payapa." "
Si Naaman ay isang opisyales ng hari ng Assyria na obligadong yumukod at lumuhod sa templo sa Rimon ngunti siya ay di sumasamba sa paganong dios roon. Dito natin makikita na ang pagluhod at pagyukod ay mga bodily gestures na walang kinalaman sa esensyal na pagsamba, kasama na ang lahat ng mga bodily gestures tulad ng paghalik, pagpunas atbp. Kaya napakamali sa iyo kung sasabihin mong sinasamba ng isang katoliko ang isang larawan dahil lang sa nakita mo siyang nakaluhod sa paanan nito. Itigil niyo na ang panghuhusgang ganito dahil hindi iyan ang kalooban ng Panginoon na nagsasabi sa Juan 7:24
"Huwag na kayong humatol batay sa nakikita, kundi humatol kayo ayon sa nararapat."
Sagot: Kung aaminin ng debotong katoliko sa pamamagitan ng pagsasalita na ang mismong larawan ang sinasamba niya. Nakasulat kasi sa Bibliya, sa Mateo 12:34
"Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig."
Ito ay patunay na sinasamba talaga ng taong iyon ang larawan. Gayunpaman, kung magtatanong ka sa maraming katoliko kung sinasamba ba nila ang mga larawan, tatanggi sila o di kaya ay magdadalawang-isip sila sa isasagot sa iyo. Tanda na rin ito na wala talaga sa isipan o consciousness nila ang pagsamba sa mga larawan, dahil kung talagang itinuturo sa mga katoliko na dapat sambahin ang larawan, madali lang mapakanta ang maraming katoliko tungkol rito.
Subukan mo, magtanong ka sa isandaang katoliko, malamang lahat o karamihan ay magsasabing "hindi nila sinasamba ang mga larawan"
Tanong: Ano pa ang maipapatunay mo na di mali ang paggamit ng larawan sa inyong relihiyon?
Sagot: Ang aming relihiyon ay mayaman sa kasaysayan at tradisyon dahil ito ang pinakauna at pinakamarami nang naranasan sa napakatagal na panahon. Kaya hindi kataka-takang umaapaw sa disenyo ang aming malalaking mga Simbahan, kasama na ang mga imahen ng mga taong di mo marahil kilala. Ang isang matanda at mnarangyang bahay ay makikilalang mas may mayamang kasaysayan kaysa sa isang bagong gawang kuwartong paupahan. Kaya may estatwa tayo ni Rizal ay dahil may totoong Rizal na nabuhay at naging magiting para sa bayan, kasama na ang lahat ng mga bayani. Sa parehong paraan, kaya kami may mga estatwa ng aming mga banal dahil totoo sila at nabuhay silang minsan at naging magigiting din para sa kaharian ng Diyos. naniniwala kamig sila ay nasa langit na't kapiling ng Diyos at nagdarasal para sa amin.
Tanong: Hindi ba't dios-diosan ang inyong mga larawan? Kasi, sa lumang panahon sa Greece at
Roma ay mga anyong tao din ang kanialng mga dios-diosan at naniniwala silang sila rin ay nasa langit na.
Sagot: Hindi mahahalintulad ang mga santo sa mga dios-diosan ng mga pagano noon. kasi ang mga dios-diosan ng mga pagano ay hindi totoo at hindi kailanman nairecord sa history na nabuhay. ito rin ang dapat na gawing batayan kung ano talaga ang isang dios-diosan at ano ang hindi. Nakasulat sa 1 Corinto 8:4
"Kaya nga, tungkol sa pagkaing inihandog sa diyus-diyosan, alam nating ang mga diyus-diyosan ay larawan ng mga bagay na di-totoo, at alam nating iisa lamang ang Diyos."
Hindi totoo ang mag dios-diosan, kaya sina Zeus, Hera, Diana at iba pa ay dapat lang tawagin na mga dios-diosan dahil sila ay mga kathang-isip lamangat gawa-gawa ng mga sinaunag tao. Sa kabilang banda, sina St Francis of Assisi, St Ignatius, St Bernadette atbp ay totong nabuhay at namatay sa mundong ito, kaya di sila kasali sa hanay ng mga dapat tawaging "dios-diosan" ayon na rin sa Bibliya.
3 comments:
mali ang iyong paniniwala,, baluktot ang iyong katwiran,, basahin mo ang Isaias 44:9-20.. Sana maliwanagan ka,, Praise the Lord,,,
hindi ko ma-take ang mga paliwanag mo.. sa mga baluktot mong paniniwala.. basahin mo ang Isaias 44: 9-20.. Nawa mabuksan ang pag-iisip mo,, in Jesus name..
Pagpalain tayo ng Panginoon!
Naipaliwanag na ng blog post na ito ang isyu. Nasa sa iyo na kung katang-gap tang-gap ito.
Kung sarado na ang iyong pag-iisip, wala na kaming maga-gawa.
Salamat sa pagbisita mo sa blog.
Post a Comment